Sunday, February 13, 2011

Azkals' Phil and James Younghusband prefer Pinays over Brit girls


Single." Ito ang idineklarang status ng magkapatid na Filipino-British na sina Phil at James Younghusband, na kapwa miyembro ng sikat na football team na Philippine Azkals.

Sa recorded interview na ipinakita sa Startalk TX nitong Sabado, inihayag din ng magkapatid na mas nais nilang makarelasyon ang Pinay kaysa British.

“I don’t hesitate like he did, Filipino (girl)," deklara ni Phil na tila kinantiyaw ang kapatid na si James na unang sumagot.

Bago kasi banggitin ang Filipina, nagsabi muna si James na, “tough choice" nang papiliin ito kung Pinay o British ang nais makarelasyon.

Nang tanungin naman kung ano ang hinahanap nilang katangian ng isang babae, sagot ni Phil: “A nice smile… I don’t have specific type as long as I can get along with the person."
Hanap naman ni James ang babaeng hindi makasarili at nagbibigay pahalaga sa iba kaysa sarili.

Kamakailan ay naging laman ng balita si Phil dahil sa pag-tweet nito para imbitahan ang aktres na si Angel Locsin na maka-date sa Valentine’s day. (Basahin: Meet the girl that Azkals' Phil Younghusband wants to date on Valentine’s Day)

Gayunman, sinabi ni Angel sa kanyang sagot na tweet na hindi siya maaaring lumabas sa Feb 14, at baka sakaling sa ibang araw na lamang.

Bagaman nabigo, hindi naman daw nawawalan ng pag-asa si Phil na magkakaroon na katuparan ang kanyang pag-imbita sa magandang aktres. (Basahin: A date with an Angel (Locsin): Azkals’ Phil Younghusband not losing hope)

Ipinaliwanag din niya na wala siyang ibang paraan para makausap si Angel kaya sa Twitter niya idinaan ang pag-imbita sa dalaga.

Samantala, bukas naman daw ang magkapatid na pasukin ang showbiz pero sa ngayon ay nais nilang tutukan ang football.

Nakatakdang umakyat sa Baguio sa huling linggo ng Pebrero ang Azkals para maghanda sa muli nilang pakikipagtunggali sa Blue Wolves ng Mongolia.

Nagpasalamat ang magkapatid na Younghusband sa mga Pinoy at maging sa mga Indonesian na sumusuporta sa Azkals at sa larong football.

source: GMA

No comments:

Post a Comment