Sunday, February 20, 2011

Ervic Vijandre on ex-Sexbomb dancer Aifha: ‘Getting to know pa lang po’


Hindi itinanggi ng ex-Survivor Philippines castaway na si Ervic Vijandre na kasama niyang nagbakasyon sa Hong Kong ang dating Sexbomb dancer na si Aifha Medina.

Ngunit nilinaw ni Ervic sa StarTalk TX nitong Sabado na nasa “getting to know" stage pa lang sila ni Aifha.

“Ano po kasi bakasyon ng family ko ‘yon, so niyaya ko lang po siya. E may mga kaibigan din pala siya na nandon kaya sumama po siya," paliwanag ni Ervic, na kasama sa cast ng Captain Barbell.

Nakilala raw ni Ervic si Aifha sa pamamagitan ni Aira Bermudez, na miyembro rin ng SexBomb, at sumali rin sa Survivor Philippines Celebrity Showdown.

“Kay Aira po, sa Survivor po. Yung mga party ng Survivor siyempre best friend po niya si Aira," ayon sa binata na nagsimula umano sa barkadahan ang kanilang ugnayan ni Aifha.

Sa ngayon, mas “close" daw sila ni Aifha pero nasa stage pa rin lang daw sila ng pagkilala sa isa’t isa, nakangiting pahayag ni Ervic.

source: gma

No comments:

Post a Comment