Friday, February 25, 2011

Kris on Mayor Junjun Binay: 'If he's dating, it's not me he's dating'


Muling pinabulaanan ni Kris Aquino na nagde-date sila ni Makati Mayor Jejomar Erwin "Junjun" Binay.

Sa kanyang personal account sa microblogging site na Twitter, sinabi ng The Price is Right host na, "I don't want to invade mayor jun's privacy, but if he's dating, it's not me he's dating. I'm not dating or seeing anybody, nobody I'm aware of is interested in anything romantic w/ me. I'm not gonna say I'm happy, but I'm PEACEFUL."

Bago ito, isa pang post ang nilagay ni Kris na nagsasabi, "My ate [Ballsy] was asked sa event nya today if I was steadily dating mayor jun binay- ate said we r good friends but not true."

Muling naging matunog ang usap-usapan na nagde-date sina Kris at Mayor Junjun nang pareho silang dumating sa birthday party ni Sen. Jinggoy Estrada noong Sabado, Pebrero 19, sa isang condominium sa Shaw Boulevard, Mandaluyong City.

Sa artikulong inilabas ng PEP (Philippine Entertainment Portal) noong Linggo, February 27, si Kris ay dumating bandang alas-onse ng gabi kasama si Vice Ganda na nagmula pa sa concert ng American music artist na si Taylor Swift.

Ang bali-balitang pagde-date nina Kris at Mayor Junjun ay nagsimula noong second half ng 2010. Ngunit agad itong itinanggi ni Kris sa isang press conference.

Aniya, "Among everybody na nili-link sa akin, he's the only one I have been communicating with. Kaklaruhin ko po, hindi siya nanliligaw sa akin. Pero matalik ko siyang kaibigan. Nakilala ko siya when I was grieving for my mother. Nakilala niya ako when he lost his wife."

Halos ganito rin ang naging pahayag ni Mayor Junjun sa isang panayam sa kanya ng SNN, na inilathala ng PEP noong August 18, 2010.

source: gma

No comments:

Post a Comment