Sunday, March 06, 2011

Protesta ng Ph inisnab ng China


MANILA, Philippines - Nananatiling tahimik ang MalacaƱang sa napaulat na pang-iisnab umano ng China sa reklamo ng Pilipinas kaugnay sa pangha-harass ng Navy Chinese patrol boats sa isang oil exploration vessel ng Pilipinas sa Reed Bank, na kabilang sa pinagtatalunang Spratly Island.

Ayon kay deputy pre­sidential spokesperson Abigail Valte, ipapaubaya na lamang nila sa Department of Foreign Affairs (DFA) ang pagsagot sa nasabing isyu.

“Mas mabuti hintayin natin ang response from the Secretary of Foreign Affairs kasi yun din ang inaantay natin,” sabi ni Valte.

Ang protesta ay inihain ng Pilipinas sa gobyerno ng China noong nakaraang Biyernes kung saan hinihingi ang paliwanag kung bakit tinakot ang mga nagsasagawa ng oil exploration.

Nauna rito, iginiit ng DFA na ang barko ng Pilipinas na nagsasagawa ng pagsasaliksik sa enerhiya ay nanatili sa loob ng teritoryo ng Pilipinas.

Pinaninindigan naman ng China na sila ang may karapatan sa pinagtatalunang Spratly Islands.
source: philstar

No comments:

Post a Comment