Wednesday, May 25, 2011

Bunny Calica, ikinukumpara kay Shalani Soledad

source: abs-cbnnews


Sa kabila ng paulit-ulit na pakiusap ni President Benigno “Noynoy” Aquino III na huwag nang halungkatin ang kanyang buhay pag-ibig, mismong si PNoy ay nagpahaging ngayon patungkol sa kanyang love life sa kanyang speech sa Laguna de Bay.

Sa pagkakataong ito, nakakagulat dahil nagpahiwatig ang Pangulo na bukas ito sa pagpapakasal bago siya bumaba sa puwesto sa 2016.

"Pagbaba ko po sa puwesto sa 2016--sana po'y nakapag-asawa na," aniya.

Pinatutungkulan kaya ng Pangulo ang pinakahuling ka-date niya?

Noong nakaraang linggo sa reunion concert ng Hotdog, kinilala ang mystery date ng Pangulo na si Bunny Calica, isang 27-year-old na teacher.

Sa mga Internet sites, agad ikinumpara ang mestiza beauty sa ex-girlfriend ng Pangulo na si Shalani Soledad.

Maganda at simple rin si Bunny, na si Mary Louise Calica, sa tunay na buhay.

Maykaya ang pamilya ni Bunny; nakatira sa Valle Verde sa Pasig.

Nagturo ng English sa Korean students sa Eton International English Center pero nag-resign ito kamakailan.

Ayon sa source, hindi sanay mag-Tagalog pero marunong mag-Bisaya si Bunny.

Sinubukan ng ABS-CBN News na hingan ng interview si Bunny pero humingi siya ng pang-unawa sa pagtanggi nyang magsalita sa isyu.

May isang bagay naman siyang sinagot—kung siya ba ay fan talaga ng Hotdog?

Hindi man henerasyon ni Bunny, matagal na daw niyang gusto ang mga kanta ng Hotdog.

"Yes, I've always liked their songs," sagot niya sa text.

source: abs-cbnnews

No comments:

Post a Comment