Thursday, August 25, 2011

Carla Abellana, nagpakumbaba, nag-sorry sa veteran showbiz writer

source: gmanews.tv


Nauwi sa komprontasyon ang press conference ng movie na My Neighbor’s Wife, nang sitahin ng isang showbiz writer ang Kapuso star na si Carla Abellana. Sa huli, humingi ng paumanhin ang aktres sa beteranong manunulat.

Sa ulat ni showbiz reporter Cata Tibayan para sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Martes, sinabi nito na full force sa press con ang main cast ng movie na kinabibilangan nina Dennis Trillo, Jake Cuenca, Lovi Poe, at Carla Abellana.

Pagtatapat ni Carla, ito na ang pinaka-daring na pelikulang nagawa niya.

“May mga kailangang patunayan na hindi naman forever may ganito kang inhibitions, kailangang at one point you let go of that, so gawin mo," paliwanag niya.

Sinagot din ni Carla ang iba pang isyu tungkol sa kanya katulad ng pagkompronta sa kanya ng veteran columnist na si Mario Bautista.

Nakatanggap kasi ng email si Mario mula kay Carla kung saan humihingi ng pagtutuwid ang aktres sa isang artikulong isinulat nito na hindi naman daw galing mismo kay Carla ang mga nakasaad.

Pero hinanakit ni Mario, tila na-single out siya ni Carla tungkol sa lumabas na artikulo.

“Minsan lang ako may naisulat sa’yo na parang hindi mo nagustuhan bakit ka magrereklamo and all the while I been writing positive things about you," ayon kay Mario.

Paliwanag naman ni Carla hindi niya pinagbantaan ang manunulat at wala siyang intensiyon na saktan ito. Kaya naman sa huli, humingi siya ng paumanhin.

“Sana po maayos natin ‘to kung ano po ang nangyari. I hoped you will understand me coming from my end po na kung bakit po ako nagre-react," pakiusap niya.

Sa hiwalay na panayam ng media, hindi na ikinuwento ni Carla ang ugat ng problema nila ni Mario pero naipaiyak ito nang ilabas ang kanyang saloobin tungkol sa mga nangyari.

Nagkaroon din ng isa pang eksena sa naturang press con nang ihayag ng producer ng movie na si Mother Lily Monteverde ang kanyang hinanakit sa manager ni Carla na si Arnold Vegafria.

“I really like Carla, nothing against Carla except the manager," ayon kay Mother Lily.

Sa hiwalay ng panayam kay Arnold, sinabi nito na love-hate ang relasyon nila ni Mother Lily pero mahal daw niya at nirerespeto ang film producer.

“Matagal na ‘yan hindi lang ako siguro nakapunta nung birthday niya dahil mayroon akong lakad, out of town ako that time. But I greeted her naman sa text at Facebook niya," paliwanag ni Arnold.

source: gmanews.tv

No comments:

Post a Comment