Saturday, September 10, 2011

iGMA: Aljur Abrenica’s secrets revealed

source: gmanews.tv


Isang hapon na puno ng sorpresa ang ihinandog ni Aljur Abrenica sa mga manonood last Sunday, when he revealed his secrets about his love life sa tulong ni Mind Master Nomer Lasala.

Hindi naitago ni Aljur ang kanyang pagkagulat nang isa-isang ibunyag ni Nomer ang ilan sa mga private details ng kanyang love life.

Sino nga ba ang kanyang huling hinalikan with feelings?

“Kasi malapit naman talaga itong babaeng ito sa akin. Si Kylie [Padilla]," pag-amin niya, na siya namang kinumpirma ni Nomer… “sa pisngi."

Naging mas mainit naman ang usapan at muntik nang hindi makasagot si Aljur nang tanungin siya kung sino ang kanyang huling dinalang special guest sa kanyang resort sa Batangas.

Inamin niyang si Kylie din ang kanyang panauhing pandangal, ngunit may iba pang sikretong naibunyag na ipinaliwanag si Aljur.

“Kasi naghanap kasi ako ng nickname para kay Kylie. Ang tawag ko sa kanya Kakai," paglalahad niya sa audience.

Ngunit ang pinakakontrobersyal ay ang huling tanong sa kanya, kung saan tinanong siya kung ano ang kanyang naiisip sa tuwing nababanggit ang pangalan ng ama ni Kylie na si Robin Padilla.

“Puso, heart. Kasi kilala ko po talaga si Sir Robin Padilla na sobrang mapagmahal na tao, kaya puso yung nakita ko," paliwanag niya.

Samantala, if you haven’t had enough surprises from Aljur ay ipagpapatuloy niya ang kanyang afternoon of surprises sa kanyang Fans Day and Album Promo Tour this September 16, 2011, Friday at the Trinoma Activity Center.

Magsisimula ito dakong 5:00 p.m. kaya naman make sure to buy a copy of his album on that day to get two seats to this event. Mamimigay ng mga papremyo at maraming surpresa para sa inyo si Aljur on this day kaya naman magkita-kita tayo doon.-- Karen de Castro, iGMA.tv

source: gmanews.tv

No comments:

Post a Comment