Sunday, September 11, 2011

Kahit itinurong ama ng bata: Albie Casiño tahimik pa rin sa pagbubuntis ni Andi Eigenmann

source: gmanews.tv


Nananatiling tahimik si Albie Casiño tungkol sa pagbubuntis ni Andi Eigenmann kahit pa tinukoy na siya ang ama ng sanggol sa sinapupunan ng aktres.

Ginawa ni Andi ang pagtukoy sa ama ng kanyang ipinagbubuntis sa pamamagitan ng kanyang blog.

Sa GMA News Balitanghali nitong Sabado, sinabing todo-iwas pa rin si Albie kapag napag-usapan ang isyu tungkol sa kalagayan ni Andi na anim na buwan ng buntis.
Ayon sa batang aktor, kumukuha na lamang siya ng suporta mula sa kanyang pamilya sa hinaharap niyang kontrobersiya.

"Hindi, hindi namin napag-uusapan. I just take my mind off it," ayon kay Albie.

Sa ngayon abala si Albie sa shooting ng movie na Aswang kung saan kasama niya ang mga Kapuso stars na sina Lovi Poe at Jillian Ward.

source: gmanews.tv

No comments:

Post a Comment