Sunday, December 11, 2011

Hindi kailangan ang malaking boobs at butt para maging sexy, ayon kay Sam Pinto

source: gmanetwork.com


Muling babandera ang kaseksihan ng Kapuso star na si Sam Pinto bilang cover ng isang men’s magazine this December.

Ayon kay showbiz reporter Cata Tibayan, balik cover girl si Sam sa FHM magazine kung saan siya unang nagpa-sexy. Nitong nakaraang July, tinanghal ng FHM si Sam na sexiest woman ngayong 2011.

Masaya ang sexy Kapuso star na muling maging cover ng naturang babasahin at ikinatuwa niya ang magagandang kuha sa kanya na ginawa sa Clark, Pampanga.

“Kahit hindi malaki boobs mo, hindi malaki butt mo you can still be sexy because your classy," paliwanag niya sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Biyernes.

Bukod sa kanyang sexy cover sa magazine, dapat din daw abangan ng kanyang mga fans ang iba pa niyang projects next year gaya ng primetime offering ng GMA 7 na Legacy.

Sa naturang soap, first time daw ni Sam na gaganap bilang kontrabida.

"Actually nung malaman ko na kotrabida ako parang wow! bago ‘to ha," kwento niya.

Bukod sa Legacy, gagawin din si Sam ang movie na Boy Pick-up na segment sa patok na gag show ng GMA 7 na Bubble Gang.

Ayon kay Sam, masaya siya dahil naging hit ang naturang segment na punong-puno ng mga kwelang pick-up lines.

Katunayan, sa isang mall na kanya raw pinuntahan, hindi na pangalan niya ang isinisigaw kundi ang karakter niya sa naturang segment bilang si “Neneng B" o “Neneng Bakit."

source: gmanetwork.com

No comments:

Post a Comment