Monday, April 30, 2012

Manny Pacquiao, naniniwalang mananalo si Jessica Sanchez sa American Idol

source: gmanetwork.com


Masaya at very proud ang mga tagasuporta ng dugong Pilipino na si Jessica Sanchez sa pagkakasali nito sa Top 5 ng American Idol nitong Biyernes. Samantala, ang Pinoy boxing icon na si Sarangani Rep. Manny Pacquiao, kumpiyansang mananalo si Jessica.



Sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Biyernes, iniulat na sa pamamagitan ng Twitter ay nagpaabot ng pagbati ng mga supporter at fans ng 16-anyos na si Jessica nang ideklarang pasok siya sa top 5 ng sikat na singing competition sa US.

Maging ang Malacanang at si Pacquiao na nagsasanay ngayon sa Baguio City ay nagpaabot ng pagbati kay Jessica, na tubong Samal, Bataan ang ina.

Ipagdadasal umano Pacquiao si Jessica at idineklara niyang mananalo ito para tanghaling unang dugong Pinoy na American Idol champion.

Sa Samal, Bataan kung saan nagmula ang ina ni Jessica, damang-dama ang kasiyahan ng mga tao sa pagawaan ng decorative items sa barangay San Juan, na nasa tabi lang ng bahay ng mga kamag-anak ni Jessica.

“Bihira ito, nakakatuwa dahil karangalan si Jessica hindi lamang sa Samal kundi ng buong Bataan at Pilipinas," ayon kay Lennin de Jesus, kawani sa pagawaan.

“Natutuwa kami dahil nasama sa top 5 si Jessica," masayang pahayag naman ni Ely Caban, mula sa Orion, Bataan na namimili ng decorative items.

Ang tindera naman ng isda na si Rose Padua, sinabing ipinagmamalaki niya si Jessica na kanilang kababayan at isang Filipina.

“Ipinapanalangin namin na sana maging Top 1 siya," dagdag niya.

Sa resulta ng ginawang botohan na inanunsiyo nitong Biyernes, hindi kasama sa “bottom three" si Jessica.

source: gmanetwork.com

No comments:

Post a Comment