Monday, May 14, 2012

PNoy at Grace Lee, napapabalitang nagkakalabuan na

source: gmanetwork.com


Matagal nang napapabalitang nagkakalabuaan na raw si Pangulong Benigno Aquino III o PNoy at ang kanyang dini-date na si Grace Lee.

Ayon sa ulat ni Pia Guanio sa Chika Minute ng 24 Oras, tila may laman daw ang naging pahayag ng Pangulo noong Sabado, Mayo 5, 2012, sa Negros Occidental.

Ayon kay PNoy, “Dalawa ho ang bumihag sa puso natin noon dito, eh.”

Ito ang naging pabirong pahayag ni PNoy sa kanyang talumpati.

Dagdag pa nito, “Baka ho sa pangatalo, swertehin na ako.”

“Nabanggit pa naman ni Secretary Mar [DOTC Seceretay Mar Roxas] kanina, ‘mass wedding’ sabi ko, ”Teka muna, hindi pa ako ready,“ biro pa ni PNoy.



Gayunpaman, nakitang magkasama ang dalawa sa concert ni Sergio Mendes dito sa Pilipinas noong Abril 24, 2012.

Ayaw namang magkumento ng MalacaƱang tungkol sa pribadong buhay ng Pangulo.

“I’ve no comment; I don’t know what’s going on. But we don’t comment on the private matters, we don’t even know if that’s true,” pahayag ni Presidential spokesperson Edwin Lacierda.

Ayon naman sa ulat ni Joyce Jimenez ng Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) hindi na naka-iwas ang TV at radio host sa pagbigay ng kumento sa di-umano’y hiwalayan nila ng Pangulo.

Ayon pa kay Grace Lee, “I think you should ask him, not me.”

“I was hurt with a lot of articles that were written about me, which are lies and just vicious, ’no.

“So, after that, I just stopped reading newspapers.”



source: gmanetwork.com

No comments:

Post a Comment