Wednesday, June 06, 2012

Ilang Kapuso stars, balik-eskwela ngayong pasukan

source: gmanetwork.com


Excited ang ilang Kapuso celebrities sa kanilang pagbalik-eskwela ngayong pasukan at pag-igihan daw nilang ang kanilang pag-aaral at pag-aartista.

Sa ulat ni Cata Tibayan sa "Chika Minute" portion ng "24 Oras" noong Martes, bagamat busy umano ang ilang Kapuso stars sa kanilang showbiz life, hindi pa rin nawawala sa kanilang priorities ang pag-aaral.

Kumuha ng tatlong subjects sa darating na pasukan ang young actress na si Julie Anne San Jose na ngayon ay isang 3rd Year AB-Mass Communication student.

Mag-a-advance taping din daw ang aktres sa kanyang bagong soap opera na ‘Together Forever’ para mapagtuunan niya ng pansin ang kanyang pag-aaral.

Incoming 4th Year college student naman ang Kapuso actress na si Louise delos Reyes sa kursong Foreign Service.

Balak din daw nitong kumuha ng Law pagkatapos niya sa kanyang undergraduate na kurso.

Ayon pa sa kanya, “Dream ko talaga simula noong bata ako [ang maging lawyer]. Nakikita nila ‘yong potential sa akin dahil mahilig akong mag-defend.”

Pati rin ang ilang cast members ng patapos na Sunday afternoon show na ‘Tween Hearts,’ excited na ring bumalik sa eskwela.

Nasa home study program sina Barbie Forteza, Bea Binene, at Lexie Fernandez habang si Joyce Ching naman ay kasalukuyang second Year Culinary student.

Ayon pa kay Joyce, “Sa sobrang excitement ko, nagbasa na ako ng mga lessons na ita-tackle.”

Gayunpaman, ang mga child stars na bibida sa paparating na soap opera ng GMA-7 na ‘Daddy Dearest’ na sina Milkcah Nacion at Kyle Ocampo, excited na ring balikan ang kanilang paboritong subject sa eskewela na Math.

Gayundin, excited na raw ang dalawang bata na magkaroon ng mga bagong kaibigan sa school.
source: gmanetwork.com

No comments:

Post a Comment