Thursday, June 28, 2012

Sam Pinto, hawak pa rin ang titulong ‘sexiest Pinay’ ng isang men’s magazine

source: gmanetwork.com


Hawak pa rin ng isang Kapuso star ang titulong “sexiest Pinay" ng FHM Philippines ngayong 2012, ayon sa ulat ng Chika Minute ng GMA News 24 Oras nitong Miyerkules.

Sa ikalawang sunod na taon, si Sam Pinto ang tinanghal na “sexiest Pinay" sa FHM Philippines 100 sexiest women ngayong taon.

Naungusan umano ni Sam sa titulo ang ilang Kapuso stars gaya nina Solenn Heussaff, Lovi Poe at Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera.

Nagtapos nitong June 5 ang on-line voting sa naturang titulo.

Sa 4th update ng mga boto noong May 25, pasok sa top 10 sexiest Pinay ang walong Kapuso stars na sina Sam Pinto, Solenn Heussaff, Marian Rivera, Ellen Adarna, Jennylyn Mercado, Lovi Poe, Bela Padilla, at Jackie Rice.

Sa listahan naman ng FHM Philippines 100 sexiest women noong 2011, pasok sa top 10 sina Sam, Marian, Solenn, Jackie, Ellen, Jennylyn Mercado, at Katrina Halili

source: gmanetwork.com

No comments:

Post a Comment