Saturday, August 18, 2012

Rhian Ramos at KC Montero, nag-date sa Gym Class Heroes at Nelly Furtado concert

source: gmanetwork.com

Kabilang sina Rhian Ramos at KC Montero sa mga kilalang personalidad na nanood sa concert ng Gym Class Heroes at Nelly Furtado sa Smart Araneta Coliseum nitong Huwebes ng gabi.

Sa official Twitter account ni Rhian, nakalagay na biglaan lamang ang pagpunta ng "exclusively dating" couple sa naturang concert.

Ilang beses na nakita ang pagiging sweet nila sa isa't-isa. May pagkakataon din na magkaakbay sila habang umaawit ang Gym Class Heroes.

Game din sina Rhian at KC na sumunod sa request ng front man ng banda na si Travie McCoy na yakapin ng audience ang mga tao sa kanilang tabi.

Bukod dito, pinagdikit din nina KC at Rhian ang kanilang mga kamay upang gumawa ng heart symbol bago tugtugin ng banda ang awiting "stereo hearts."

Kamakailan ay namatahan din ang dalawa sa opening night ng Cirque de Soleil na ginanap sa SM MOA Arena.

Lubos naman ang kasiyahan ng mga taong nanood sa concert nina Nelly at Gym Class Heroes.

source: gmanetwork.com

No comments:

Post a Comment