Monday, September 10, 2012

'Papable' Alden Richards ready for sexy and daring scenes

source: gmanetwork.com

Kagaya ng iba pang male celebrities na nakatakdang rumampa sa nalalapit na Cosmo Bachelor Bash, excited na naghahanda na rin si Alden Richards.

Malaking karangalan daw para sa Kapuso heartthrob na mapasama sa ganitong kalaking event na taun-taon ay inaabangan ng marami.

“Sa September 18 po ‘yon. And then I was part of Top 10 centerfold for September," banggit ni Alden sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Ano ang magiging kaabang-abang na gagawin niya?

“Yun pa po ang pinagpaplanuhan ko as of now.

“Kasi first time ko pong sasabak sa ganung klaseng rampahan. Na… first time ko pong gagawin sa buong buhay ko.

“So medyo kinakabahan po ako. Pero hopefully, sana maging successful naman.

“Sa World Trade Center po ‘to gaganapin."

NO LIMITS. Taun-taon ay inaabangan ng marami ang Cosmo Bachelor Bash. Naging tradisyon na kasi ang kanya-kanyang estilo sa pagiging daring sa pagrampa ng mga naggagwapuhang male celebrities at models.

Si Alden kaya, how far will he go pagdating sa pagpapakita ng kanyang katawan sa event na ito?

“Siguro… siguro kahit hanggang walang pants!" sabi niya kasunod ang isang pilyong ngiti.

Paanong walang pants ang ibig niyang sabihin?

“Siguro naka-boxer shorts ako o underwear."

Kung handa na siyang magpakita ng hubad na katawan sa Cosmo Bachelor Bash, ibig bang sabihin nito ay ready na rin siyang gumanap ng daring o sexy roles?

“Opo, wala namang problema sa akin," sagot ng 19-year-old actor.

Okey na rin sa kanya ang makipag-torrid kissing scene at makipag-love scene?

“Okey lang po. Kasi gusto ko na ring ma-try yung ibang dimension of acting that requires yung mga ganung klase ng eksena.

“Para lang po maka-experience ako ng ibang flavor, kumbaga, sa acting. Kaya open na po ako sa ganun.

“Pero sa ngayon, wala pa po namang ganung offer sa akin."

Ano ang limitasyon niya pagdating sa ganitong bagay?

“Hmmm… sa ngayon naman po, parang wala.

“Wala naman po akong boundaries. Wala naman po akong limits so far sa mga naibigay po sa aking projects.

“Pero depende pa rin po. And… basta, kung makakaganda po sa trabaho yung ipapagawa sa akin, okey lang po."

WHOLESOME IMAGE. Hindi lang ang pagrampa niya sa Cosmo Bachelor Bash ang pinaghahandaan ni Alden nang husto ngayon kundi ang pagkawala na rin sa wholesome image at pagsabak sa medyo daring at sexy roles.

Anong mga preparasyon naman ang ginagawa niya para rito?

“Yung diet ko, kailangang fixed amount of calories lang a day. Tapos kailangang maisingit ko yung gym.

“Mondays, Wednesdays, and Fridays yung taping namin sa One True Love. And then Tuesdays and Thursdays, may ibang schedules.

“Pero kailangang maisingit ko, as much as possible idinidikit ko po yung gym.

“Tapos less intake ng carbohydrates and fatty foods. Kasi mahirap i-burn."

PAPABLE NG BAYAN. Basta napasama sa Cosmo Bachelor Bash, certified yummy ang dating sa kababaihan.

At si Alden nga bilang isa sa Top 10 male celebrities na nai-feature sa Cosmopolitan for September, “Papable Ng Bayan" ngayon kung bansagan.

Tumawa muna ang Kapuso actor bago nakapagbigay ng reaksiyon.

“Siguro po, ang masasabi ko, malaki po ang pasasalamat ko sa One True Love.

“Dahil po dun sa soap na ‘yon, mas na-appreciate po ako ng mga tao as an actor.

“And yung loveteam po namin ni Louise [delos Reyes], naging maganda po yung itinakbo.

“So utang ko po ito sa One True Love at sa GMA family ko po."

Sang-ayon ba siya sa imahe niya ngayon bilang isa sa “pinakaguwapo at magaling na young actor" ng kasalukuyang henerasyon?

“Naku, parang hindi ko po napi-feel na ganun!" tawa ni Alden.

“A… salamat po kung ganun po ang tingin ng iba sa akin ngayon.

“Basta sa lahat po, gagawin ko pang mag-improve as an actor and also physically rin po."

ONE TRUE LOVE. Extended ang primetime series na pinagbibidahan nina Alden at Louise sa GMA-7, ang One True Love. Tatakbo pa raw ito sa ere for a month bago tuluyang matapos.

Pakiramdam ba ni Alden, pagkatapos ng One True Love, made na siya bilang Kapuso actor?

“Kulang pa po. Marami pa pong dapat na pag-aralan.

“Ang acting po, walang katapusan ang learning.

“So every day kailangan ko pong matuto ng bago. And I really want to learn more po."

Yung loveteam nila ni Louise, nararamdaman ba niyang establisado na dahil sa dami ng nakagiliwan nang subaybayan gabi-gabi ang One True Love? Na puwede nang ihilera sa ibang popular team-up ang tandem nila?

Sagot ni Alden, “Kasi po kami naman ni Louise, parang before po, nag-start sa Tween Hearts. Tapos ako po, nag-start sa Alakdana.

“Pero yung mga loveteam naman po, sa tingin ko, wala namang competition. Lalo pa sa aming mga tween stars.

“Kasi may sari-sarili naman kaming projects. Lahat naman po kami, nagpu-progress pantay-pantay."

After One True Love, willing ba siyang kumawala na sa loveteam nila ni Louise kung hihingin ng pagkakataon?

“Uhm… kung kailangan po. Pero mas okey po sana kung huwag muna.

“Kasi comfortable ako kay Louise, comfortable din siya sa akin.

“So okey po sana sa akin kung sa next project po, kami pa ring dalawa."

Nasabi ni Alden na game na siya sa mga mature at sexy roles. Pero si Louise, wholesome pa rin ang image.

Hindi ba magkakaroon sila ng contrast kung magka-loveteam pa rin sila?

“Siguro mapag-uusapan naman po, eventually," tugon ni Alden.
source: gmanetwork.com

No comments:

Post a Comment