Monday, March 18, 2013

Louise delos Reyes, naging emosyunal nang aminin ang breakup nila ni Enzo Pineda

source: gmanetwork.com

Inamin na nina Louise delos Reyes at Enzo Pineda na winakasan na nila ang dalawang taon nilang relasyon.
Sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Biyernes, sinabi umano ni Enzo na mas makabubuti sa ngayon kung magbibigay sila ng space ni Louise sa isa't isa.

Sa ginawang panayam naman ng Startalk TX kay Louise, hindi naiwasan ng young actress na maiyak nang aminin ang kanilang breakup ni Enzo.

Marami raw siyang natutunan sa dalawang taon na relasyon nila ng Kapuso actor.

"Ang hirap po talagang magsalita kasi hindi rin namin maintindihan...parang there come a point na sumunod ka na lang sa agos," naluluhang pahayag ni Louise.

Sinabi naman ni Enzo na: "Normal naman ang mga problema na dumadaan sa buhay."

Mapapanood ang buong detalye sa paghihiwalay nina Louise at Enzo sa Startalk TX sa Sabado, March 16, pagkatapos ng Eat Bulaga sa GMA-7.

source: gmanetwork.com

No comments:

Post a Comment