Saturday, June 22, 2013

Charice at Aiza Seguerra, magdu-duet sa isang event sa unang pagkakataon

source: gmanetwork.com/

Matapos ilahad sa publiko ang tunay na pagkatao, mapapanood sa unang pagkakataon ang duet ng dalawang sikat na lesbian singer sa bansa na sina Charice at Aiza Seguerra.
Sa ulat ng "Chika Minute" ng GMA news 24 Oras, ipinakita ang video footage ng rehearsal nina Charice at Aiza, kasama rin ang sikat na mang-aawit na si Noel Cabangon.

Sa naturang rehearsal, makikitang kinakanta ni Charice ang awiting "Titanium" habang naggigitara sina Aiza at Noel.

Itinuturing dream come true ni Charice na maka-duet si Aiza na idolo niya, hindi lang sa pag-awit kung hindi maging sa pagiging totoo.

Sinabi ni Charice na iniisip pa lang nila noon ang pagsasama nila ni Aiza at nangyari na kaagad.

"Very thankful ako kay Aiza for having me...inviting me," pahayag ni Charice. 

source: gmanetwork.com/

No comments:

Post a Comment