Wednesday, November 13, 2013

Pauleen Luna on her relationship with Bossing Vic Sotto: "I'm so tired of justifying what we have"


source: gmanetwork.com

Kapag love life ang usapan, hindi masyadong nagkukuwento si Pauleen Luna.
Pero sa isang exclusive interview with Startalk TX host Ricky Lo, nag-open up si Pauleen Luna tungkol sa masaya niyang relasyon with Bossing Vic Sotto.Tinanong si Pauleen kung ito ba ang una niyang seryosong relasyon.
“Siguro ‘yung ganito ka-serious, I would say yes,” sagot niya.

\Kung gayon, may plano na ba sila ni Bossing na magpakasal soon?

“I don’t know yet. No expectations, no disappointments. If it happens, it happens. Good. If it doesn’t, well, it’s okay,” aniya.

Totoo ba ang balitang may engagement ring nang ibinigay si Bossing sa kanya?

Ipinakita ni Pauleen ang kamay niya at sinabing, “Wala, wala talaga.”

“I will be very proud when that day comes. I will not hide it,” dagdag niya.

Hindi rin daw totoo ang balitang binigyan siya ng house and lot ni Bossing. Lalong hindi raw totoo na pera lamang ang habol niya rito.

“Ako po ay napakasipag pagdating sa trabaho because I wanna earn my own money. I don’t wanna depend on somebody else’s money to spend. I’m so tired of justifying what we have,” saad niya.

Ang age gap nila ni Bossing ay 34 years. Hindi ba ito nagiging problema sa kanilang relasyon?

“Ang nasa gitna ng relasyon namin is God talaga kaya that’s just a number for us. We respect each other equally. Pareho naming binibigyan ng importansiya ang pananaw ng isa’t isa, so I don’t think problema ang numero ‘pag dating sa ganyan,” ani Pauleen.

Suportado rin daw ng kanyang mga magulang ang relasyon nila.

Ayon sa kanya, “Never naman naging problema. My parents are very understanding. Sila naman, kung saan ako masaya at wala naman po silang nakikitang masama sa relasyon, okay lang naman po sila. Si Vic respects my parents very much.”
Seloso ba si Bossing as a boyfriend?
\ “Siguro in his own ways, pero hindi naman siya possessive,” nangingiting pahayag ni Pauline.

Pag-amin niya, “May pagkaselosa ako sa totoo lang.”

Kaka-celebrate lang ni Pauleen ng 25th birthday niya noong November 10. Ano ang birthday wish niya ngayong taon?

“Well, right now I’m very, very happy. I’m very content with what I have and with where I am now. Ganoon talaga when you’re happy and when you’re contented, you don’t look for other things,” sagot niya.

Dagdag niya, “Life can only get better from here on. Ang wish ko lang, more blessings, perfect health for me and my family and of course, kay Vic and his family also. That’s about it.”


source: gmanetwork.com

No comments:

Post a Comment