Wednesday, February 09, 2011

Liz Uy at P-Noy parehong nagdiwang ng kaarawan


Dati'y puno ng tensyon si Liz Uy na naugnay sa boss niyang bachelor na si President Noynoy Aquino.

Ngayon, sa kanyang 26th birthday, nakakatawa na ang fashion stylist dahil nalagpasan na niya ang isyu sa kanila ni P-Noy na ka-birthday din niya.

"Para po akong nabunutan ng tinik... Iyon lang iyong importante sa 'kin na nandun pa rin iyong respect for each and everyone," ani Liz.

Nakakapagbiro na rin siya tungkol sa kanyang Valentine at birthday wish na "world peace."

Nakakapagbiro na rin siya maging sa punang "Sayang at pinakawalan siya ni John Lloyd Cruz."

"I really wish him the best kung sino man partner niya. We're really friends na
," ani Liz.

Ayaw na ring magkomento ni Liz kung itutuloy pa rin niya ang pagiging presidential stylist.

Masaya na raw siya sa sunud-sunod niyang endorsements at iba pang show biz projects.

"I'm really thankful. Kung ano man ang binibigay, tinatanggap ko lang talaga," sabi pa niya.

Pakiusap lang niya, wag nang uriratin ang relasyon nila ni Direktor Lino Cayetano: "Sana lang maging tahimik na. Matatahimik ba? Sana naman 'no?"

Bakas naman sa ningning ng mata ni Liz na in-love ang birthday girl. Mario Dumaual, Patrol ng Pilipino.

source: Abs-cbn

No comments:

Post a Comment