Noli de Castro (NDC): Magandang gabi, Pat. Nakikiramay kami sa pamilya Reyes.
Patricia Daza (PD): Maganda gabi, Kabayan.
NDC: Nagkita tayo together with Secretary Reyes noon dito sa ABS-CBN at medyo napapansin ko hindi ganoon ang kanyang itsura noong kami’y magkasama sa Gabinete. At iyon ay hindi pa lumalabas ang isyu ni Rabusa kundi iyon pa lang may mambabatas na isinasangkot siya sa kaso ni General Garcia. Lagi kayong magkasama, inaalalayan mo siya Pat, ano ba ang sinasabi niya sa ‘yo, siya ba ay may hinanakit talaga?
PD: Ang sinasabi lang niya parati sa akin, kasi ang sinasabi ko parati kay sir, 'sir, kamusta kayo? Okay lang ba kayo?' 'Okay lang tayo, okay lang tayo, Pat. Huwag kang mag-alala, okay lang tayo.' 'Ganyan talaga,' sabi niya, 'hindi tayo nakaupo ngayon. Weather-weather lang talaga iyan.' He always made light of situation. That’s why it was very shocking when I heard the news. Kasi, Kabayan, nandoon ka nga, magkasama tayo sa dressing room mo noong in-interview siya ng TV Patrol. At si Secretary Reyes, to the end, ayaw niya talagang manlaglag. Hindi ba sinasabi mo nga sa kanya ‘Angie, magsalita ka na, magsalita ka na’ hindi ba Kabayan? 'Mahirap, mahirap, Kabayan.' Sabi niya, 'Hindi ako ganoon, ayaw ko magsalita. Ayaw ko magsangkot ng ibang tao.' Tapos sinasabi mo, ‘Angie, dinidikdik ka na.’ Sabi niya ‘Hindi bale na, ako na lang, ako na lang.’ So talagang until the end, he was really a man of honor, gentleman talaga at ayaw niya talaga mangdawit ng tao.
NDC: When was the last time na magkita kayo ni Secretary Angie?
PD: Last week lang din, Tuesday. He called me up, sabi niya, 'Pat, magpe-press con ako bukas with Atty. Alentajan. Sabi niya samahan mo ako.' Sabi ko, 'siyempre, Secretary, nandoon ho ako.' So Tuesday I was with him. He did a press con with Atty. Bonnie. Pagkatapos noon nag-lunch naman kami. Okay naman. Sabi nga niya, 'O sige, kapag natapos na ‘to, mamasyal tayo para makapahinga ako.' Sabi ko, 'Sir, sige, tapusin lang natin ho ito tapos makakapahinga na ho kayo. Magbiyahe ho tayo. Magbiyahe kayo para at least makapagpahinga naman kayo kasi talagang bugbog na bugbog na ho kayo.' He lost so much weight. He’s not the Secretary Reyes that I knew. Hindi mo siya makausap minsan, malayo talaga ang isipan. Talagang hindi na siya fighter dahil nadawit na ang pamilya niya, nadawit na ang PMA, nadawit na ang AFP. All the things that are very close to his heart and so, I guess, he really felt sad about what was happening.
NDC: Lagi ba niya kasama ang kanyang 2 anak?
PD: Yes. In fact, lagi niya kasama si John at si Carlo kasi iyon ang na lang ang 2 anak niya na binata ano. So iyon ang parating sumasama sa Secretary. Kasi low profile na si Secretary. He’s already a private citizen. He just does simple things na lang. Bumibisita nga sa mom and dad niya sa Loyola, kumakain silang pamilya. Iyon ang mga nakakasama niya talaga most of the time, ang pamilya niya talaga.
NDC: So ano ang pinagkakaabalahan niya, pamilya talaga niya?
PD: Pamilya talaga niya at mga kaso niya. Hinaharap niya kahit puro batikos. Nagpunta siya sa Senado, nag-press con siya. Inilalaban niya kasi gusto niya nga [ma-clear] ang kanyang pangalan eh. Sa kanya talaga, ang pangalan ho talaga niya na 47 years nanungkulan siya sa gobyerno. Public servant talaga si Secretary Reyes, so he doesn’t want naman na his name will be tarnished and will be maligned that way.
NDC: Wala bang plano na ilipat siya sa Aguinaldo?
PD: Hindi pa napaguusapan ng pamilya. Right now, nandito lang kami sa chapel pero no final decisions have been made yet if his body will stay here or ililipat sa Aguinaldo po.
NDC: Pat, maraming salamat at condolence.
PD: Salamat po.
source: abs-cbnnews
Wednesday, February 09, 2011
Hanggang kamatayan, Reyes, 'di nagpahamak
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment