Friday, March 18, 2011

Rock icon Joey 'Pepe' Smith reveals domestic life in The Smiths


Itinuturing na isa sa mga haligi ng Pinoy rock si Joey "Pepe" Smith—dating drummer-guitarist at vocalist ng influential '70s band na Juan dela Cruz.

Ang nasabing grupo—na kinabibilangan din nina Mike Hanopol at Wally Gonzales—ang nagpasikat ng mga klasikong awitin katulad ng "Balong Malalim," Beep-Beep," "No Touch," "Titser's Enemy No. 1," at "Himig Natin."

Bagamat matagal nang hindi aktibo ang grupo sa recording at live music scene, hindi naman nawala si Pepe sa limelight dahil madalas pa rin siyang makita sa mga events at maging sa telebisyon matapos na kunin ang beteranong rocker bilang endorser ng isang kilalang beer brand.

Ang pagiging isang rock legend ni Pepe rin ang dahilan kung bakit siya kinuha ng GMA News TV (Channel 11) para sa kanilang weekend reality program na pinamagatang The Smiths.



Kasama ni Pepe sa programa ang kanyang tatlong anak—na magkakaiba ang mga ina—sina Queenie, Sanya, at Beebop.

Sentro sa The Smiths ang pang-araw-araw na buhay ng pamilya ni Pepe at ang maipakita ang personalidad ng rock icon bilang isang ama sa kanyang mga anak.

ON-CAM REUNION. Natutuwa naman ang apat dahil sa pamamagitan ng programa ay nabigyan sila ng pagkakataon na magsama-sama sa iisang bubong.

"It's like we're making up for lost time," sambit ni Sanya sa pocket press conference na ginanap nitong Biyernes, March 18, sa Executive Lounge ng GMA Network Center sa Quezon City.

Magkakaiba man ang kanilang mga ina ay hindi naman naging dahilan ito para hindi magkasundo ang mga anak ni Pepe. Mas nagkaroon nga lang sila ngayon ng chance na makilala nang lubusan ang isa't isa dahil lumalabas sila sa isang programa.

"It's not awkward at all," sagot ni Queenie nang tanungin kung nagkailangan ba silang magkakapatid nung first day of taping ng The Smiths.

"We're actually having a good time getting to know each other. Kasi, even if we're not together, we still keep in touch," dagdag ni Queenie.

Dugtong naman ng model at video jock na si Sanya, "If we don't see each other, it's still the same. It's like we grew up together—but we didn't. It's like we're making up for lost time."

Naikuwento rin ni Sanya na mahilig maglaro ng X-Box ang kanyang ama. Alam naman na raw niya ito kahit noon pa, pero ngayon lang niya nasaksihan ang pagiging avid gamer ng kanyang sikat na ama.

"I knew that he really likes video games. I knew that he likes to spend a lot of time playing, but I didn't realize that he could spend an entire day playing a video game."

THE ROCK STAR AS DAD. Maraming misconceptions ang publiko pagdating sa rock musicians. Karaniwang nakatatak sa mga ito ang diumano'y pagiging lapitin sa mga bisyo katulad ng alak, droga, at kung anu-ano pa.

Mabilis namang dinepensahan ng kanyang mga anak si Pepe pagdating sa mga common stereotypes about rock stars.

Ayon kay Queenie, "Oo, kasi, di ba, pag rock artist, kailangan matapang, astig... But no, si Papa has a soft side that they don't even know. Sometimes he is strict and sometimes hindi. Minsan nga nagwi-wish ka na sana maging strict naman siya ngayon."

Sabi naman ni Sanya, "A lot of people think he has a sex, drugs and rock 'n' roll lifestyle. But he's really a good father and we, his children, always come first."

Parehong musikero at nasa banda sina Queenie at Beebop. Wala naman daw silang naramdaman na pressure para sundan ang yapak o tagumpay na narating ng kanilang ama sa larangan ng paglikha ng musika.

Kung si Sanya naman ang tatanungin, hindi raw niya ibinida sa iba na anak siya ni Pepe Smith para lang mapansin o makakuha ng trabaho. Kadalasan daw ay nagugulat na lang ang kanyang mga katrabaho noon every time na malalaman na anak pala siya ng former Juan dela Cruz member.

Masaya naman si Pepe dahil nakikita niyang nagsisikap ang kanyang mga anak na maging matagumpay sa larangan na kanilang pinapasok.

Paliwanag niya, "It comes to a point where you have to let your kids decide for themselves. You have to loosen up a little so they can enjoy and explore.

"The only thing you can do is to guide them and see where they go or check if they're okay—'yon naman ang role ng parents, e.

"I give advice and all that, but I never really stuck my nose when it comes to their personal lives."

source:

No comments:

Post a Comment