Wednesday, April 27, 2011

Ogie Alcasid named Heritage Ambassador (video inside)

source: gma


Masayang nagkuwento ang bagong talagang Heritage Ambassador na si Ogie Alcasid tungkol sa pagbubuntis ng kanyang misis na si Regine Velasquez-Alcasid, who turned 41 last week.

“Ngayon after her eight week (pregnancy), she seems…parang hiyang na hiyang na siya, ako naman yung medyo parang nahihilo. Ganun ba talaga ‘yon?" natatawang pahayag ni Ogie sa ulat ni entertainment reporter Aubrey Carampel sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Martes.

Sa kabila ng maraming trabaho, sinabi ni Ogie na ang paghahanda bilang daddy sa first baby nila ni Regine ang kanya prayoridad.

Ang naturang pagkakataon ay isang bagay na hindi umano nila dapat palampasin ng tinaguriang Asia’s songbird.


For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV

Last week ay nag-celebrate ng kanyang 41st birthday si Regine, kasama ang kanyang mga kaibigan, kamag-anak at kasamahan sa trabaho.

Samantala, hinirang si Ogie bilang Heritage Ambassador ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA). Dahil dito, pangungunahan ng singer/composer/host/actor ang ilang activities ng NCAA sa pagdiriwang ng Heritage month sa Mayo.

Itinuturing malaking karangalan ni Ogie ang paghirang sa kanya ng NCCA dahil kung tutuusin ay marami naman daw maaaring pagpilian ang naturang ahensiya bilang ambassador.

Bukod sa pagiging ambassador, si Ogie ang presidente ng Organisasyon ng Pilipinong Mang-aawit, at convener ng EDSA People Power commission.




source: gma

No comments:

Post a Comment