Friday, May 27, 2011

Angelu de Leon accepts the fact that she is now a 'senior star'

source: gmanews


Obvious naman sa aura at kung paano magsalita ang aktres na si Angelu de Leon kung gaano siya kakuntento at kasaya ngayon sa buhay niya bilang maybahay at ina ng dalawa niyang anak.

Kasama si Angelu sa bagong afternoon series ng GMA-7, ang Sisid, kunsaan ina ni Jackie Rice ang character na ginagampanan niya.

Wala naman daw problema sa kanya when she found out na mother ni Jackie ang role niya.

Aniya, "Naging mother na rin ako ni Kris Bernal sa Koreana, pero mas matanda si Jackie kay Kris.

"So, parang ano lang... Actually, sabi ko nga kanina, nai-offer din sa akin ang role ni Dimples Romana sa Mara Clara.

"Kaso, nauna 'to. Nauna sila."

Nagkaroon ba siya ng panghihinayang lalo pa't ang daming followers ng Mara Clara, na ipinapalabas sa ABS-CBN?

"Hindi," sagot ni Angelu.

"Sabi ko nga, hindi ako nanghinayang kasi parang sinabi ko... Ewan ko, siguro I always look at the brighter side of life.

"Hindi naman ako ingrata na ano ba ang gusto ko, masunod ang mga plans ko.

"Sabi ko nga, dalawa lang 'yan, e—it's just that I know I'm working not just for the money or for the fame, but I'm working for the passion of working.

"Kasi, parang iba, e.

"Ang ibinigay naman sa akin is the Sisid family.

"Ito nga yata I think is the most closest to my heart sa lahat ng ginawa ko.

"Because of the staff, everyone involved, para kaming one big happy family.

"Kaya lahat kami, concern sa kung ano ang mangyayari sa show."

WORKING WITH JACKIE RICE. Bilang nanay ni Jackie sa serye, nakita ba niya ang sarili niya sa young actress, especially noong naging daring din ang image niya?

Matatandaang lumabas sa critically-acclaimed film na Bulaklak ng Maynila (1999) si Angelu bilang hudyat ng pagbabago ng image niya mula sa pa-tweetums sa pagihing daring.

"Nakita ko sa kanya, nakita ko ngayon yung determination niya," sagot ng aktres.

"Kasi even before this, may mga nababalitaan tayo about her.

"I think ngayon, mas ini-embrace niya na, 'Mahal ko itong trabaho ko. Mahal ko ang industriya ko.'

"Parang one scenario, last night, nagte-taping kami, may trangkaso na siya.

"She wasn't really feeling okay, yung voice niya.

"Tapos, tinatanong siya ng staff, 'Gusto mong pumak-up?' Sinasabi niya na kaya pa niya.

"Well, lo and behold, we finished 1:30 in the morning!

"So, nagkakaroon na ng value sa kanya ang pag-aartista, which is good din na ngayon ko siya nakasama.

"Siguro kung nagkasabay kami before, nailabas ko ang mga saloobin ko!" natatawa niyang sabi.

Binibigyan ba niya ng mga advice si Jackie?

"Every scene, nagtutulungan kami," sabi ni Angelu.

"Sabi ko nga, sponge siya. Kasi, she accepts it well.

"May ibang hindi na yung advice ng kagaya ko, nakakainsulto.

"Parang sa kanya, mas lalo mong naa-appreciate.

"Sabi ko nga, I don't wanna be called a senior star, pero dito, parang sige na nga, na-accept ko na senior star ako.

source: gmanews

No comments:

Post a Comment