Sunday, October 23, 2011

Julie Anne San Jose, wala raw problema sa mommy ni Elmo Magalona

source: gmanews.tv


Kasabay ng pagsikat ng tambalan nina Elmo Magalona at Julie Ann San Jose, ay ang intrigang hindi raw boto ang ina ni Elmo na si Pia Magalona na maka-love team ng anak si Julie Anne.

Kapwa successful sa kanilang mga career sina Elmo at Julie Anne, ayon kay showbiz reporter Lhar Santiago sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Biyernes.

Gaya na lang ng Youtube video ni Julie Anne kunsaan kinanta niya ang Super Base na umabot na sa 8 million views. Samantala, si Elmo naman ay maglulunsad na ng kanyang recording album next year.

Sa Party Pilipinas, ang number nina Elmo at Julie Anne ang isa sa mga inaabangan. May pelikula na rin ang dalawa na One Last Summer.

“Kung hindi po dahil sa mga fans siyempre rin po sa help ng Network hindi po kami marerecognize ng mga tao na as Julie Anne-Elmo tandem," ayon sa dalaga.
Pero totoo nga ba na inayawan ni Miss Pia Magalona, mommy at tumatayong manager ni Elmo, na maka-love team ng anak si Julie Ann.

“In good terms naman po kami ng family ni Elmo lalong lalo na po si Ms Pia. Actually ininvite niya po ako sa benefit concert ni Francis M. So, I guess wala naman pong dapat na iproblema dun or ipakalat na isyu kasi maayos naman po yung pakikitungo sa’ken ni Ms Pia," paliwanag niya.

Dagdag naman ni Elmo: “Its hard to believe na yun sasabihin ng mom ko. And I know for a fact that she doesn't think that way kasi talagang supportive na supportive nga siya and gustong gusto niya ginagawa namin and she’s also a fan of Julie."

source: gmanews.tv

No comments:

Post a Comment