Sunday, October 23, 2011

Sunshine Cruz, nagselos kay Sam Pinto dahil sa daring love scenes kay Cesar Montano?

source: gmanews.tv


Nasa editing stage na ang bagong pelikula ni Cesar Montano na Hitman. Totoo nga bang nagselos ng husto si Sunshine Cruz sa dalawang matitinding love scene ni Cesar sa leading lady nito sa pelikula na si Sam Pinto?

Sa ulat ni showbiz reporter Lhar Santiago sa Balitanghali nitong Biyernes, sinabing ang pag-edit ng Hitman ang isa sa mga kumakain ngayon ng malaking oras ni Cesar.

Very busy ang aktor dahil siya rin ang napiling humalili kay Manny Pacquiao sa Manny Many Prizes. Ito ay habang nagsasanay si Manny sa US para sa gaganaping laban niya kay Juan Manuel Marquez sa Nobyembre.

Pero sa kabila ng pagiging busy, naisingit pa ni Cesar sa kanyang schedule ang pamamahagi ng wheelchair na nabili niya mula sa naipong pera sa kanyang Panaghoy Children Foundation.
Ayon sa aktor, masaya siya sa Hitman dahil batid niyang nakagawa siya ng magandang pelikula.

Tinawanan din lang ni Cesar ang tsismis na nagselos ang misis niyang si Sunshine kay Sam dahil sa matitindi nilang love scenes.

“Si Shine ang isa sa mga pumili kay Sam, actually," paliwanag ni Cesar. “Sa amin sa CM Films, isa sa casting directors ko si Shine."

Sa Nobyembre ay tutulak ang mag-asawa sa US para manood ng laban ni Manny. Nakalinya rin sa kanyang mga proyekto ang isang teledrama sa Kapuso Network.

source: gmanews.tv

No comments:

Post a Comment