Sunday, October 23, 2011

Sem break magsisimula sa Oct 26, klase magbabalik sa Nov 3

source: gmanews.tv


MANILA – Magsisimula sa Oktubre 26 ang pansamantalang bakasyon o semestral break ng mga mag-aaral sa elementarya at high school, at magbabalik ang klase sa Nobyembre 3, ayon sa Department of Education nitong Biyernes.

"According to DepEd 2011-2012 Official Calendar, classes in public schools will resume on Nov 3. Sembreak starts Oct 26," nakasaad sa Twitter account ng DepEd.

Samantala, nasa desisyon naman ng mga pribadong paaralan ang kanilang semestral breaks.

Ang DepEd ang namamahala sa pasok ng preschool, elementary at high school.

Inaasahan na dadagsa ang mga Pilipino sa mga libingan sa Nov 1 at Nov 2 sa paggunita ng All Saints' at All Souls' Days.

source: gmanews.tv

No comments:

Post a Comment