Friday, February 15, 2013

Kylie Padilla, gustong mag-stargazing kasama si Aljur Abrenica

source: gmanetwork.com

Sa kabila ng kanyang busy schedule sa taping ng bagong soap ng "Unforgettable," gusto pa rin ng Kapuso actress na si Kylie Padilla na mag-celebrate sa Araw ng mga Puso.
Sa ulat ng Star Bites ng Balitanghali nitong Miyerkules, sinabi ng aktres na gusto niyang makasama sa espesyal na araw na ito si Aljur Abrenica.

Simple lamang daw ang gusto ni Kylie at hindi rin naman daw siya maghahanap ng materyal na bagay.

Kahit stargazing lang daw sa Pampanga, ang lugar na kinalakihan ni Aljur, masaya na siya.

"Gusto kong mag-star gazing," ani Kylie. "I don't know, there's something romantic [about it.]"

Inamin din ni Kylie na nakita na niya ang binibiling bahay ng aktor.

source: gmanetwork.com

No comments:

Post a Comment